"Careful with words" is ten times doubly so.
Sakit ng Dalamhati
November 18, 2008
“Sakit ng Dalamhati”
Napakagulo ng isipan ko. Maging ang aking puso’y litung-lito. Ano nga ba itong pakiramdam na ito? Na madalas magdala sa akin ng peligro.
Maraming beses na akong naghahanap ng solusyon dito sa damdaming ito subalit araw-araw ako ay palging bigo. Siguro nga’y nakakandado ang puso ko sa pakiramdam na ito at wala na akong pag-asa pang lumigaya.Ito ang dahilan kung bakit Palaging nadudurog ang PUSO kong MAGANDA at Sumasakit ang aking MALINIS na KAISIPAN. Ito rin ang pangunahing dahilan kung bakit ako ay palaging bigo. Pero hindi ko naman masisisi ang aking sarili dahil ang tadhana ang may pananagutan dito! Sadyang napakalupit ng tadhana sa akin, lahat ng bagay na ginusto ko ay ipinagkakait niya sa akin, ang bawat pangarap ko ay unti-unti niyang ginugunaw at lahat ng gusto kong maabot ay sadyang kanyang inilalayo.
Paminsan-minsan ako’y may nararamdamang iggit sa iba sapagkat kumakampi sa kanila ang tadhana ngunit sa mga katulad ko’y parang kontrabida ito sa aming magandang pelikula dahil Lagi na lang kami nitong ibinabagsak, Itinutumba, Dinadapa at kung anu-ano pa. Subalit kahit ilang beses man akong itumba ng tadhana ako ay magpipilit na bumangon at susubukan kong sirain ang rehas ng kalungkutan, wawasakin ko ang kandado ng pagluluksa at dudurugin ko ng pira-piraso ang kulungan ng Dalamhati upang sa gayon ay gumaling ang puso kong nagdusa sa SAKIT NG DALAMHATI.
Sa aking pag-iisa..
November 11, 2008
“Sa aking pag-iisa”
Naranasan mo na bang mawalan ng pag-asa? Nakadama ka na ba ng matinding kalungkutan? Napakasakit maranasan at madama ang mga pakiramdam na ito subalit madalas itong bumabagabag sa aking isipan tuwing ako ay walang kasama.
Madalas akong nag-iisa at habang ako ay balisa, ako ay nagninilay-nilay sa mga mali kong nagawa. Madalas akong nagsisisi at kadalasan nasasabi ko sa sarili ko na nasa huli talaga ang pagsisisi pero ano pa bang magagawa ko? Naganap na ang dapat maganap at wala na akong magagawa. Gumagana din ang aking imahinasyon kapag ako ay nag-iisa. Minsan ay nag-iisip ako ng mga nakakakilig na love scenes at tinatawanan ko na lang ang sarili ko. Pero kadalasan, dumadapo sa akin ang isang pakiramdam na mahirap mapigilan. Pakiramdam na nakakaaliw sa una ngunit nakakabaliw kapag tumatagal na. ito ang pakiramdam na kadalasa’y nararamdaman ng mga katulad kong lalaki. Tuwing nararamdaman ko ito, madalas tumindig ang aking balahibo at tumitigas ang aking KATAWAN sa lamig at ako ay gumagawa ng hindi kanais-nais na bagay. Subalit, pagkatapos nito, ako ay bumabalik sa katinuan at ako ay mas nagiging maamo kaysa sa isang tupa. At muling babalik ang aking malungkot na buhay. Nagpapatunay lamang na panandalian lamang ang aliw samantalang humahagupit ang kalungkutan.
Tuwing ako ay nalulumbay, dalawang bagay lamang ang nakakatulon sa akin. Ito ay ang pagmamahal at pagdarasal. Ang mga ito lamang ang nakakagaan ng aking pakiramdam at ito lamang ang tanging nagpapadama sa akin na ako ay nabubuhay pa dito sa mundong ibababaw. Tanging ang mga ito lamang ang aking panglaban sa sarili kong kalungkutan na palagi kong nakakaharap SA AKING PAG-IISA.


