"Careful with fire" is good advice we know.
"Careful with words" is ten times doubly so.

Home » Post Item » Sakit ng Dalamhati

Sakit ng Dalamhati

November 18, 2008

“Sakit ng Dalamhati”

            Napakagulo ng isipan ko. Maging ang aking puso’y litung-lito. Ano nga ba itong pakiramdam na ito? Na madalas magdala sa akin ng peligro.

            Maraming beses na akong naghahanap ng solusyon dito sa damdaming ito subalit araw-araw ako ay palging bigo. Siguro nga’y nakakandado ang puso ko sa pakiramdam na ito at wala na akong pag-asa pang lumigaya.Ito ang dahilan kung bakit Palaging nadudurog ang PUSO kong MAGANDA at Sumasakit ang aking MALINIS na KAISIPAN. Ito rin ang pangunahing dahilan kung bakit ako ay palaging bigo. Pero hindi ko naman masisisi ang aking sarili dahil ang tadhana ang may pananagutan dito! Sadyang napakalupit ng tadhana sa akin, lahat ng bagay na ginusto ko ay ipinagkakait niya sa akin, ang bawat pangarap ko ay  unti-unti niyang ginugunaw at lahat ng gusto kong maabot ay sadyang kanyang inilalayo.

Paminsan-minsan ako’y may nararamdamang iggit sa iba sapagkat kumakampi sa kanila ang tadhana ngunit sa mga katulad ko’y parang kontrabida ito sa aming magandang pelikula dahil Lagi na lang kami nitong ibinabagsak, Itinutumba, Dinadapa at kung anu-ano pa. Subalit kahit ilang beses man akong itumba ng tadhana ako ay magpipilit na bumangon at susubukan kong sirain ang rehas ng kalungkutan, wawasakin ko ang kandado ng pagluluksa at dudurugin ko ng pira-piraso ang kulungan ng Dalamhati upang sa gayon ay gumaling ang puso kong nagdusa sa SAKIT NG DALAMHATI.

 

Posted by fireplay at 9:07 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment