"Careful with fire" is good advice we know.
"Careful with words" is ten times doubly so.

Home » Archives » December 2008

“Buhay Lingkod”

December 21, 2008

“Ronn! Mag krus ka!” Hay nako! Halos linggo linggo kong naririnig ito, at siyempre bilang isang tao halos linggo linggo akong nagkakamali, nadudulas, sumasabalay, sumesemplang at kung anu-ano pang kapalpakan ang aking nagagawa.

            Alam kong bilang isang tao lahat tayo ay kailangang madapa, masaktan, at bumagsak ngunit sa kabila nito ang Diyos Ama ay tumutulong upang ibangon at itaguyod ako tuwing oras na ng kadiliman at bawat pagkakamali na aking nagagawa ay nagiging leksyon na nagpapatibay sa akin.

            Dahil sa mga ginagawa sa akin ng Panginoon ako ay nahabag at naghanap ako ng paraan para mapasalamatan siya. Akala ko ay ayos na ang pagdarasal ngunit aplikasyon pala ang hinihingi niya sa akin. Tinawag niya ako upang pagsilbihan siya at ako naman ay walang dudang tumugon.

            Sa mahigit 1 taon kong paglilingkod iba’t-ibang ugali, itsura, at pananaw sa buhay ang aking nakasalamuha. May mga server sa tawag pero hudyo ang uali. Mayroon din namang kasing taas ng himpapawid ang tingin sa sarili. Mayroon ding mistulang buhawi ang ulo. At siyempre hindi mawawala ang mga katulad kong gwapo, pogi, matalino, mabait, masipag, tahimik, matino, maayos, malinis ang isip, masunurin, at higit sa lahat medyo sinungaling.XD..kung may mga hindi magagandang ugali siyempre may mapagpakumbaba, mabait, mpagbigay, at mayroon ding mukhang hindi mapagkakatiwalaan pero sa panahon ng kagipitaan sila ang tutulong sa iyo.

            Napakalaki ng pasasalamat ko sa panginoon dahil kung hindi niya ako tinawag siguro ay magiging malungkot at walang saysay ang buhay kong ito. Nagpapasalamat din ako sa kanya dahil nagkaroon ako ng pamilya sa loob ng simbahan kung saan ang mga kapatid ko ay ang kapwa ko server at an gaming napakagaling na pinuno ang aming gabay upang mas lalo kaming mapalapit sa panginoon..(sir dapat mataas grade nito..hahaha..XD)

 

Posted by fireplay at 6:10 pm | permalink | Add comment

Ako laban sa mundo

December 10, 2008

Buhay…Ang buhay ay isang napakalaking kalokohan na punong-puno ng walang katapusang paghihirap. Bakit nga ba kailangan pa ng pagdurusa? Bakit pa ba tayo sinusubukan? Bakit nararamdaman ko ang kalungkutan? Npakadami kong katanungang kahit ako ay hindi ko masagot at wala akong magawa dahil magulo ang aking isip, sarado ang aking puso at patay ang aking diwa.

Sa mga oras na ito, malamang ay wala akong kakampi. Lahat sila ay likod ang inihaharap sa akin. Ang mga taong akala kong tutulong sa akin sa pagasenso ay siyang nagpabagsak sa akin. Talaga bang sinadyang punuin ng sakit at dalamhati ang aking buhay? Hirap na hirap na ako at pakiramdam ko ay nasa pinakaibaba na ako. Nais kong bumangon mula sa kasawiang ito subalit sa tuwing magtatangka ako ay bigla akong natutumba dahil wala ni-isa an ang nariyan upang ako ay tulungang tumayo.

Patuloy na tumatakbo ang oras, unti-unting bumabagal ang tibok ng aking puso, meron akong pakiramdam ngunit manhid na ang aking isipan. Ng biglang may tinig na nagmula sa hindi malamang lugar ang tumawag sa pangalan ko. Isang tinig na masarap sa tenga at nakakaakit sa pandinig. Unti-unting lumakas ang pagtawag at bumulong siya sa akin ng “Anak, Lumaban ka”. Ako ay biglang natauhan. Pinilit kong bumangon at sa pagbangon ko ay nakita ko ng malinaw ang mga kasagutan sa aking tanong. Nagnilay-nilay ako at habang ginagawa ko ito..naramdaman ko na may init na bumabalot sa aking katawan, bumibilis ang tibok ng aking puso at nakadama ako ng pagmamahal at nahabag ang aking muntiong damdamin. Doon ko na lamang nalaman na ako pala ay lumalaban sa mundo na ang tanging kakampi ko lang ay ang aking pananampalataya. Kahit nadarama ko ang dalamhati ay kumilos ako hinarap ang malupit na mundo at nakipaglaban ako at sa huli ay naramdaman kong panalo ako dahil nagkaroon na ako ng aking sariling mundo. Mundo na walang lungkot, walang dusa at higit sa lahat ay walang kirot na dumadaloy. Ang mundong tinutukoy ko ay ang mundo kung saan naroon ang aking pamilya, barkada, at higit sa lahat ay ang simbahan na siyang naghubog sa akin. Sa mga oras na ito ay Nilagyan ko na ang wakas ang laban sa isinumpang mundo ng kalungkutan at nagpakasaya sa bago kong mundo, Ang mundo ng Panginoon.

Posted by fireplay at 10:02 pm | permalink | Add comment

Ayoko pang mamatay dahil may silbi pa ako

December 1, 2008

 Kamatayan…Isang bagay na napakahirap intindihin at unawain kasi naman, Isang beses lang ito madarama at kapag naranasan mo ito tiyak hinding hindi ka na makakabalik sa buhay at dalawa lamang ang possible mong kalagyan. Impyerno o Langit.

                Sa Impyerno Siguradong magdurusa ka at kapag napunta ako dun siguradong tanggal ang kaputian ko kasama ang balat dahil sa sobrang init kaya wala akong duda kung bakit marami ang natatakot dito. Pero malamang ay maraming negosyante ang gusto dito. Hindi dahil sa marami silang kasalanan kundi dahil kikita sila dun. Kapag nagbenta kasi sila ng Ice cream, Ice water, Ice at kung anu-ano pang malalamig, siguradong araw-araw sold out ang benta nila. Ang problema nga lang ay kung aabot ang paninda nila ng malamig kapag tumapak na sila sa Impyerno.

                Ang langit naman ay parang magnet sa tao. Malakas humatak kasi lahat gusto dito maging ako maging ikaw, maging kami, maging kayo, at lahat tayo. Kasi ayon sa Bibliya, kung binibuklat man ninyo, Ang langit daw ay walang hangganang ligaya.walang pagdurusa, walang sakit, walang hirap at walang lungkot Ngunit napakahirap daw pasukin ito. Mas madali pa raw makapasok ang kamelyo sa butas ng karayom kung ikukumpara sa pagpasok ng tao sa langit…kaya napapaisip tuloy ako kung matino ang nagsabi nun. Kasya ba ang kamelyo sa butas ng karayom? Napakalaki kaya ng kamelyo! Ipis nga hindi kasya dun kamelyo pa kaya.

                Hay nako..Tama na ang kalokohan dumako naman tayo sa seryoso at makabuluhang parte. Marami akong dahilan kung bakit gusto ko pang mabuhay dito sa mundo. Ako, Bilang isang tao ay naniniwala na may silbi ako kaya ako ginawa ng panginoon. Lahat tayo ay may parehas na misyon ngunit iba-iba ang ating paraan ng pagtupad dito. Tayong mga tao ay inilalang ng Diyos upang pangalagaan ang kanyang mga nilikha sa mundong ibabaw at ginagampanan ko ang misyong ito sa abotaking makakaya at para na rin makapunta ako sa langit at makasama ang nagiisang panginoon na lumikha sa akin at sa ating lahat

Posted by fireplay at 9:45 am | permalink | Add comment