"Careful with words" is ten times doubly so.
Ako laban sa mundo
December 10, 2008
Buhay…Ang buhay ay isang napakalaking kalokohan na punong-puno ng walang katapusang paghihirap. Bakit nga ba kailangan pa ng pagdurusa? Bakit pa ba tayo sinusubukan? Bakit nararamdaman ko ang kalungkutan? Npakadami kong katanungang kahit ako ay hindi ko masagot at wala akong magawa dahil magulo ang aking isip, sarado ang aking puso at patay ang aking diwa.
Sa mga oras na ito, malamang ay wala akong kakampi. Lahat sila ay likod ang inihaharap sa akin. Ang mga taong akala kong tutulong sa akin sa pagasenso ay siyang nagpabagsak sa akin. Talaga bang sinadyang punuin ng sakit at dalamhati ang aking buhay? Hirap na hirap na ako at pakiramdam ko ay nasa pinakaibaba na ako. Nais kong bumangon mula sa kasawiang ito subalit sa tuwing magtatangka ako ay bigla akong natutumba dahil wala ni-isa an ang nariyan upang ako ay tulungang tumayo.
Patuloy na tumatakbo ang oras, unti-unting bumabagal ang tibok ng aking puso, meron akong pakiramdam ngunit manhid na ang aking isipan. Ng biglang may tinig na nagmula sa hindi malamang lugar ang tumawag sa pangalan ko. Isang tinig na masarap sa tenga at nakakaakit sa pandinig. Unti-unting lumakas ang pagtawag at bumulong siya sa akin ng “Anak, Lumaban ka”. Ako ay biglang natauhan. Pinilit kong bumangon at sa pagbangon ko ay nakita ko ng malinaw ang mga kasagutan sa aking tanong. Nagnilay-nilay ako at habang ginagawa ko ito..naramdaman ko na may init na bumabalot sa aking katawan, bumibilis ang tibok ng aking puso at nakadama ako ng pagmamahal at nahabag ang aking muntiong damdamin. Doon ko na lamang nalaman na ako pala ay lumalaban sa mundo na ang tanging kakampi ko lang ay ang aking pananampalataya. Kahit nadarama ko ang dalamhati ay kumilos ako hinarap ang malupit na mundo at nakipaglaban ako at sa huli ay naramdaman kong panalo ako dahil nagkaroon na ako ng aking sariling mundo. Mundo na walang lungkot, walang dusa at higit sa lahat ay walang kirot na dumadaloy. Ang mundong tinutukoy ko ay ang mundo kung saan naroon ang aking pamilya, barkada, at higit sa lahat ay ang simbahan na siyang naghubog sa akin. Sa mga oras na ito ay Nilagyan ko na ang wakas ang laban sa isinumpang mundo ng kalungkutan at nagpakasaya sa bago kong mundo, Ang mundo ng Panginoon.


